Target na maaprubahan ng Senado ang panukala para sa permanente o tuluyang pag-ban sa mga Profile of Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) bago matapos ang taon.
Inendorso na sa plenaryo ng Senado ang panukalang Anti-POGO Act o ang Senate Bill 2868 ng Senate Committee on Ways and Means, at Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources.
Kumpyansa si Ways and Means Chairman Senator Sherwin Gatchalian na maipapasa nila ang panukala bago matapos ang taon dahil malakas ang suporta rito ng mga kapwa mambabatas.
Aniya, nasa 20 senador ang lumagda sa committee report ng pangulo.
Ang pagsusulong ng Senado ng panukala para sa permanenteng ban ng POGO ay bilang suporta sa naunang kautusan na rin dito ng Pangulo.
Samantla, manawagan naman ang mambabatas sa Philippine National Police (PNP), Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), National Bureau of Investigation (NBI), Bureau of Immigration (BI) at sa iba pang law enforcement agencies na magkaisa na bumalangkas ng pamamaraan para masugpo na ang lahat ng POGO sa bansa at huwag hayaang magpatuloy ang mga krimen ng POGO dahil lamang sa kakulangan ng koordinasyon.