Inaasahang mabilis na maiaakyat sa opisina ng Pangulo ang panukala na naglalayong maprotektahan ang mga miyembro ng judiciary, mga personnel, at court assets.
Ito ay matapos makalusot sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang House Bill 9086 o ang panukalang “Philippine Judiciary Marshals Service Act”.
Iginiit noon ni Associate Justice Committee Chairman Vicente Veloso ang agad na pagpapatibay sa panukala dahil madalas na nahaharap sa banta ang buhay ng mga miyembro ng Hudikatura.
Sa ilalim ng panukala, ang Judiciary Marshals Service ay ipapasailalim sa Office of the Court Administrator ng Korte Suprema na pamumunuan ng chief marshal na may kaparehong rank o pwesto at pribilehiyo ng isang associate justice.
Magkakaroon naman ng tatlong deputies: isa para sa Luzon, sa Visayas, at sa Mindanao, na magkakaroon ng kaparehong rank at pribilehiyo ng isang Regional Trial Court judge.
Ang chief marshal at deputies ay dapat miyembro ng Philippine Bar, itatalaga ng Supreme Court En Banc at magsisilbi hanggang maabot nila ang edad 65 na taong gulang.