Panawagan ng isang mambabatas sa San Juan, La Union ang agarang pagsasabatas ng panukalang naglalayong magtakda ng regulasyon at magtatag ng clear zones para sa mga aktibidad sa dalampasigan at baybayin.
Nakasaad sa panukala ang nararapat na aksyon ng awtoridad sa proteksyon ng mayamang ecosystem ng bayan kasunod ng kabilaang national at international competitions na dahilan upang bansagan ang bayan bilang “Surfing Capital of the North”.
Ipinunto rin na dahil sa kakulangan ng regulasyon ay nakapagtala ng mga panganib sa kaligtasan ng mga surfers at beach goers at naging istorbo sa likas na ganda ng kapaligiran dahil sa hindi responsableng pagtatapon ng basura sa dagat.
Target ng ordinansa na mapangalagaan ang reputasyon ng San Juan bilang world-class tourism destination at tagapagtaguyod ng malinis na kapaligiran. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









