Panukala sa pag-regulate sa vape at pagkakaroon ng batas sa pagbabawal ng paggamit nito sa pampublikong lugar, pinaaaksyunan na sa Kamara

Pinaaaksyunan ni House Committee on Health Vice Chairman at Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor sa Kamara ang pag-regulate sa vape o e-cigarettes.

 

Ayon kay Defensor, dahil wala pang batas na umiiral para sa regulasyon at kontrol sa vape ay hiniling nito ang paghahain ng panukalang batas at mabilis na pagapruba dito.

 

Mas mainam umano na may basehan ang bawat aksyon ng pamahalaan lalo na ang utos na ipagbawal ang vaping sa pampublikong lugar.


 

Dapat rin aniyang tiyakin na mabubuwisan ang vape products na sa kasalukuyan ay naglipana na sa merkado at ipagbawal ang pagbebenta nito sa mga indibidwal na may edad 21 pababa.

 

Matatandaang naghain si Binan Rep. Marlyn Alonte ng panukala para sa mas malawak na ban at pag-regulate sa vape o e-cigarettes.

Facebook Comments