Dininig sa isinagawang public hearing ng Sangguniang bayan ng Bayambang ang ukol sa panukalang Anti-Dangling Wire Ordinance sa kanilang bayan.
Ito ay dahil bukod sa hindi kaaya-ayang tignan ang mga nagpapatong-patong na wire ng kuryente ay pinangangambahan rin ang aksidenteng maaaring mangyari dahil sa problema sa “spaghetti wires”.
Tinalakay ang naturang ordinansa ng sangguniang bayan members kasama ang Committee on Public Utilities and Public Order and Safety at concerned LGU department heads.
Nasa pandinig din ang CENPELCO at iba’t-ibang telecommunication companies’ para sa kanilang suhestyon at maaaring maitulong na solusyon ukol dito.
Ang publiko naman ay dumalo rin sa public hearing para malaman din ang kanilang saloobin at suhestyon nang sa gayon ay makatulong sa posible at nalalapit ng pagtupad sa Anti-Dangling Wire Ordinance sa bayan. |ifmnews
Facebook Comments