Isinusulong sa Dagupan City ang isang panukalang ordinansa na naglalayong tiyakin ang responsableng pagtatago ng baril upang maprotektahan ang publiko, partikular ang mga kabataan, laban sa posibleng panganib.
Ito ay matapos bumisita ang ilang miyembro ng sangguniang panlungsod sa Dagupan City Police Office upang talakayin ang proposed child safety at responsableng firearm storage ordinance.
Ayon sa mga awtoridad, ang hindi maayos na pag-iimbak ng baril ay nagdudulot ng panganib lalo na sa loob ng mga tahanan na may mga bata.
Sa ilalim ng panukala, inoobliga ang mga gun owner na tiyaking ligtas at maayos ang pagtatago ng kanilang mga armas, kalakip ang mga alituntunin at kaukulang parusa para sa mga lalabag. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








