Panukalang ₱200 wage hike, patuloy na tinitimbang ni PBBM

Patuloy na pinag-aaralan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang ₱200 na dagdag-sahod para sa mga manggagawa.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro nais ni Pangulong Marcos na maibigay kung ano ang tunay makabubuti para sa mga manggagawa.

Gayunpaman, kailangang isaalang-alang din ang magiging epekto nito sa kabuuang estado ng ekonomiya at iba’t ibang sektor ng lipunan.

Ikokonsidera rin ang magiging opinyon ng wage board na nilikha rin ng Kongreso upang magtakda ng nararapat na sahod sa bawat rehiyon.

Kaugnay nito, tiniyak ng Malacañang na masusing pinag-aaralan at tinitimbang ni Pangulong Marcos ang panukalang batas para mabalanse ang katatagan ng ekonomiya, pangangailangan ng manggagawa at ng iba pang sektor.

Facebook Comments