
Nakiki-usap si House Committee on Labor and Employment Chairman at Rizal 4th District Representative Fidel Nograles kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na sertipikahang urgent ang panukalang batas para sa umento sa sahod ng mga minimum wage earners.
Giit ni Nograles kay Pangulong Marcos, kailangang kailangan na ng mga kababayan natin ang umento sa sahod sa gitna ng tumaatas na antas ng pagkagutom at tumaatas din na halaga ng pamasahe.
Ayon kay Nograles, natapos na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang pag-review sa mga panukalang wage increase at ang kailangan na ngayon ay ang aksyon ng pangulo.
Paliwanag ni Nograles, kapag sinertipikahang urgent ni President Marcos Jr., ay malaki ang tsansa na maipasa ang panukalang wage hike sa pagbabalik ng session ng Kongreso sa Hunyo.