Kinontra ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) ang panukalang 10-day service incentive leave para sa mga manggagawa.
Ayon kay ECOP Legal Service Manager Robert Maronilla, masyado nang marami ang ibinibigay nilang mga local at national non-working holidays sa mga manggagawa bukod pa ang paid leaves at intermittent work suspensions dahil sa bagyo at iba pang kalamidad.
Katunayan, isa ang Pilipinas sa may pinakamaraming national non-working days sa buong ASEAN region.
Nag-aalala rin ang grupo sa posibleng negatibong epekto nito sa maliliit na negosyo na nalugi rin nang malaki dahil sa pandemya.
Punto naman ng ilang labor groups, ang expanded service incentive leave ay titiyak sa kalusugan, kaligtasan at pagiging produktibo ng mga manggagawa taliwas sa iginigiit ng ECOP.