Aprubado kay Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala ng Kamara na ibaba sa 12-taong gulang ang minimum age of criminal liability.
Ito ay matapos ipasa ang panukala sa ikalawang pagbasa.
Ayon kay Pangulong Duterte – bagaman at nais niya na siyam na taong gulang ang criminal age of responsibility, komportable siya sa desisyon ng Kamara na mula 15 ay gagawing 12-anyos ito.
Binatikos din ng Pangulo si Senator Francis Pangilinan na siyang nagtakda ng 15 bilang age of criminal responsibility.
Nais din ng Pangulo na may pananagutan din ang mga magulang ng mga batang sasabit sa batas.
Sa kasalukuyan, nakapaloob sa Juvenile Justice and Welfare Act na ang mga batang may edad 15 pababa ay exempted mula sa criminal liability.
Pero muling iginiit ng Pangulo na ang batas na ito ay inaabuso ng mga kriminal para gamitin ang mga menor de edad sa mga ilegal na aktibidad.