Malaki ang pag-asa ni Senate President Tito Sotto III na makakakuha ng suporta sa mga senador sa inihain niyang panukala na ibaba sa 12-anyos ang kasalukuyang 15-anyos na Minimum Age of Criminal Responsibility.
Diin ni Sotto, magkakasundo na sila sa edad na yan para maimulat ang mga bata na maging responsable sa mga pagkakamali na kanilang magagawa.
Diin ni Sotto, hindi ikukulong ang mga menor de edad na makagagawa ng krimen dahil sila ay sa bahay pag-asa ipapasok upang isailalim sa rehabilitasyon.
Maging si Committee On Justice and Human Rights chairman Senator Richard Gordon ay paborable na rin sa 12-anyos kumpara sa 9-anyos na anya’y masyadong bata.
Facebook Comments