Panukalang 2 taon bago ma-regular ang manggagawa, tiyak mamamatay pagdating sa Senado

Sa oras na maiakyat sa Senado ay maikokonsiderang DOA o Dead on Arrival ang panukalang palawigin sa dalawang taon ang kasalukuyang anim na taon na probationary period bago maregular sa trabaho.

Diin ni dating Labor Secretary at ngayon ay Senate Minority Leader Franklin Drilon, haharangin niya ang nabanggit na panukala.

Giit ni Drilon, hindi makatwiran at hindi makatarungan para sa mga manggagawa ang nabanggit na panukala na isinusulong sa kamara ni Probinsyano Ako Party-list Rep. Jose Singson Jr.


Tiniyak din ni Senate President Tito Sotto III, na isa siya sa tututol kapag umabot ito sa Senado.

Paliwanag ni Sotto, sa loob lang ng isa hanggang dalawang buwan ay kaya nang madetermina kung maaaring gawing regular o hindi  ang isang bagong pasok na empleyado.

Facebook Comments