Panukalang 2-year probationary period, dagdag pahirap sa mga manggagawa

Iginiit ni Senator Leila De Lima na magiging dagdag-pahirap lang sa mga manggagawa ang panukala na isinusulong sa Kamara.

 

Ito ay ang pagpapalawig sa dalawang taon mula sa kasalukuyang anim na buwan ng probationary period bago maregular ang baguhang mangagawa.

 

Diin pa ni De Lima, sasapawan ng panukala ang mga hakbang na tuldukan ang ENDO o kontraktwalisasyon.


 

Paliwanag ni De Lima, dahil sa panukala ay lalo lamang mabibiktima ng labor malpractice at pag-abuso ang mga empleyado.

 

Giit ni De Lima, ang nabanggit na panukala ay heartless at hindi pinag-isipan.

 

Facebook Comments