Panukalang 20% student discount sa land, air, at water public transport – lusot na sa committee level ng Senado

Manila, Philippines – Lusot na committee level ang senate bill number 1597 o ang panukalang pagbibigay ng 20 percent discount sa mga estudyante sa lahat ng pampublikong tranportasyon.

Halimbawa nito ang pamasahe sa mga jeep at bus, taxi, MRT at LRT pati ang mga train, Philippine National Railways o PNR at kasama din ang pamasahe sa barko at eroplano at sa transport network vehicles tulad ng Uber at Grab.

15 mga senador ang lumagda sa panukala na inisponsor ng Committee on Education, Ways and Means at Public Services.


Kwalipikado sa diskwento sa ang lahat ng mga estudyante hanggang kolehiyo pati ang kumukuha ng Technical Vocational Course.

Kailangan lang magpresenta ang mga ito ng school ID o kaya ay registration o enrollment form.

Hindi kasama sa benepisaryo ng panukala ang mga kumukuha ng abogasya, medisina at doctorate.

Kapag naisabatas, ang lalabag ay pagmumultahin ng 5 hanggang 15 libong pisong at maaring ding tanggalan ng prangkisa.

Facebook Comments