Ipinadala na sa Malacañan ang enrolled copy ng panukalang batas na layong itatag at palawakin ang sakop ng 20-percent student fare discount.
Ibig sabihin, hinihintay na lamang na mapirmahan ito ng Pangulo bago maging ganap na batas.
Ayon kay House Committee on Transportation Chairperson, Catanduanes Rep. Cesar Sarmiento – napapanahon lamang na maisabatas ito kasabay na rin ng pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin at halaga ng pamumuhay.
Sa kasalukuyan, nakatatanggap lamang ng 20% ang mga estudyante sa land transport tulad ng jeep at bus.
Pero sa ilalim ng batas, ipatutupad ang diskwentro sa regular domestic fares sa lahat ng uri ng public transport, gaya ng land, rail, seas at air, maging sa holiday.
Inaasahang aabot sa higit 20 milyong estudyante mula pampubliko at pribadong paaralan ang makikinabang sa panukalang batas.