MANILA – Inaasahang maihahabol ng kongreso ang pag-pasa sa panukalang P3.3 trillion national budget sa mga huling araw bago mag-holiday recess ang mga mambabatas.Umaasa ang mga senador na mareresolba na nila ang hindi pagkakasundo sa pagitan ng senado at ng kamara kaugnay sa budget sa kanilang pagpupulong bukas para maaprubahan na nila ito sa Miyerkules.Mag-aadjourn ang kongreso sa Miyerkules at sa January 15 na ang kanilang pagbabalik.Nabatid na nahinto ang usapin sa pag-tutol ng kamara na panukala ng senado na alisin ang P8.3 billion sa kanilang bersyon na inilaan nila sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM), at ilipat sa pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH).Giit kasi Sen. Panfilo Lacson na mabubuhay lang muli ang pork barrel para sa mga mambabatas na mapapayagang magpatupad ng kanilang mga proyekto.Umaasa naman si Sotto na papayag na ang kamara sa panukala ng senado na huwag alisin ang P8.3 billion at sa halip ay ilaan na lamang para sa mga State Universities and Colleges (SUCS) para sa mas mura o libreng edukasyon para sa mga mahihirap.
Panukalang 2017 National Budget, Inaasahang Maipapasa Na Sa Kongreso Ngayong Linggo
Facebook Comments