Panukalang 2019 budget, inaasahang bubusisiin ni PRRD ngayong araw

Manila, Philippines – Inaasahang ngayong araw ay hihimayin na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang proposed 2019 national budget.

Matatandaang hinayaan muna ng Malacañang na makapagdiwang kahapon ang Pangulo ng kaniyang ika-74 kaarawan sa Davao City.

Una nang isinumite noong Miyerkules ng Kongreso sa Malacañang ang enrolled bill ng 2019 budget.


Nauna na ring tiniyak ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na gagamitin ng Pangulo ang kanyang veto power kung may labag sa umiiral na batas ang isinumiteng panukalang budget.

Facebook Comments