Panukalang 2019 budget, nire-review na ni PRRD

Manila, Philippines – Binubusisi na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panuklang ₱3.7 trillion 2019 national budget.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo matapos ihayag na sisimulan ng Pangulo ang paghimay sa budget pagkatapos ng kanyang birthday noong March 28.

Ayon kay Panelo – ikinukunsidera ni Pangulong Duterte ang lahat ng factors, kabilang ang mga statements mula sa Kamara at Senado.


Tiniyak ng Palasyo na nag-iingat ang Pangulo sa pag-review ng 2019 General Appropriations Bill dahil ayaw nitong pumirma ng batas na idedeklara naman ng Korte Suprema na ilegal.

Facebook Comments