Lusot na sa ikalawa at pinal na pagbasa ng Kamara ang P4.1 trillion national budget o ang 2020 General Appropriations Bill.
Ito ay kasunod ng pagsesertipikang urgent ni Pangulong Duterte.
Sa botong 257-yes, 6-no at 0-abstain, nakapasa ang House Bill 4228.
Maituturing na faithful copy ng National Expenditure Program (NEP) ang 2020 budget, ibig sabihin walang binago sa isinumiteng budget mula sa Malakanyang.
Ito na ang maituturing na pinakamabilis o record-breaking na approval ng budget sa kasaysayan ng Kamara na layong hindi na maulit ang delayed na pag-apruba katulad sa 2019 national budget na nakaapekto sa implementasyon ng mga proyekto at programa ng iba’t ibang ahensya.
Ang edukasyon at imprastraktura ang may pinakamalaking paglalaan ng panukalang 2020 national budget.
Samantala, bumuo si House Majority Leader Martin Romualdez ng small committee na mag-a-assess sa individual amendments ng mga kongresista.
Binigyan naman ng hanggang Lunes ang mga kongresista para magsumite ng kanilang individual amendments.