Panukalang 2020 National Budget, binawi sa Kamara dahil “premature”

Binawi ni House Deputy Speaker for Finance Luis Raymund Villafuerte ang House Bill 4228 o panukalang ₱4.1 Trillion National Budget para sa taong 2020 sa plenaryo.

Ito’y matapos ihain sa unang pagbasa ni House Appropriations Chairperson, Davao Rep. Isidro Ungab.

Paliwanag ni Villafuerte, “prematurely” itong inihain lalo’t may mga ahensya pa ng gobyerno na ang nagpi-prisenta pa ng kanilang budget proposals sa Kamara.


Giit ng mambabatas, hindi isyu rito ang withdrawal ng Budget Bill at kailangan munang makumpleto ang lahat ng presentation ng budget proposals sa House Appropriations Committee bago ihain ang panukala sa first reading.

Pero sagot ni Ungab, hindi pwedeng magsagawa ng Budget Hearings na walang panukalang inihain sa first reading.

Nabatid na target ng Kamara na maaprubahan ang 2020 National Budget sa ikatlong pagbasa sa October 4 bago ang mag-recess ang Kongreso.

Facebook Comments