Panukalang 2020 National Budget, sasalang sa Plenaryo ng kamara ngayong araw

Isasalang na sa plenaryo ng kamara ngayong araw ang panukalang 2020 national budget.

Ito’y matapos ang dalawang linggong deliberasyon sa committee level kasama ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno nitong biyernes.

Kahapon, inaprubahan ang komprehensibong committee report ng House Committee On Appropriations ukol dito.


Ang house bill 4228 o ang 2020 General Appropriations Bill ang siyang magiging basehan ng pondo ng mga pilipinas sa susunod na taon kapag natuluyan nang naisabatas.

Ayon kay Appropriations Committee Chairperson Isidro Ungab – agad sisimulan ang ikalawang yugto ng budget deliberation sa kamara para maisakatuparan ang target nilang maipasa ang pambansang pondo bago mag-break ang kongreso.

Sinabi naman ni House Majority Leader Martin Romualdez – walang Pork Barrel ang masisingit sa Pambansang Pondo at mahigpit nilang ipapatupad ang line item budgeting system sa ngalan ng transparency at accountability.

Hindi natitinag si British Prime Minister Boris Johnson sa kabila ng nangyayaring Brexit Crisis.

Ayon kay Johnson, hihiling siya na muling mabotohan pero tila inayawan na ito ng parliyamento, kaya ipasususpinde niya ito hanggang October 14.

Matatandaang ipinasa ng members of the parliament ang batas na i-delay ang pag-alis ng Britanya sa European Union hanggang 2020, maliban na lamang kung makukuha ni Johnson ang divorce deal sa EU Summit sa susunod na buwan.

Facebook Comments