Pormal nang naitanggap ng Malacañang ang kopya ng panukalang 4.506 trillion national budget para sa susunod na taon.
Dito ay inaasahang isasalang sa masusing review ni Pangulong Rodrigo Duterte ang budget measure.
Ayon sa Office of the Presidential Spokesperson, naipadala na sa kanila ng Kongreso ang panukalang budget sa Office of President.
Ang sektor ng edukasyon ang nakatanggap ng malaking alokasyon na nasa 708.2 billion pesos, kasunod ang Department of Public Works and Highways na nasa 694.8 billion.
Ang sektor naman ng kalusugan ay nakatanggap ng alokasyong nasa 287.47 billion pesos, kabilang ang 72.5 billion pesos na COVID-19 vaccines.
Una nang sinabi ng Palasyo na gagamitin ni Pangulong Duterte ang kanyang veto powers kapag may nakita siyang kwestyunableng probisyon sa panukalang budget bago niya ito pirmahan.
Bukod dito, pinalawig din ng mga mambabatas ang validity ng 2020 General Appropriations Act hanggang December 31, 2021.
Aprubado rin sa Kongreso ang pagpapalawig ng validity ng pondo sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 hanggang June 30, 2021.