Panukalang 2021 National Budget, target na maipasa ng Palasyo sa Agosto

Target ng Malacañang na maisumite sa Kongreso ang panukalang ₱4.3 Trillion 2021 National Budget sa Agosto.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, hindi nila kayang maipasa ang panukalang budget sa araw ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Isinasapinal pa aniya ang proposed budget lalo na at ikinokonsidera ang COVID-19 situation sa bansa.


Nais tiyakin ng Executive Branch na ang lahat ng ilalagay sa panukalang pambansang pondo ay matutugunan ang mga pangangailangan sa bansa.

Ang panukalang budget sa susunod na taon ay mas malaki ng 200 bilyon kumpara sa kasalukuyang national budget.

Una nang sinabi ni Budget Secretary Wendel Avisado na ang proposed national budget ay magiging “labor-intensive” at ang ipaprayoridad ang mga programang nakatutok sa pagtugon sa pandemya.

Facebook Comments