Target ng Senado na maipasa na ang panukalang P5.024-trillion na national budget para sa taong 2022 sa unang linggo ng Disyembre.
Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, agad nilang sisimulan ang plenary deliberations tungkol dito sa muling pagbubukas ng session sa November 8.
Matatandaang nitong nakaraang linggo nang isinumite ng Kamara ang panukalang budget para susunod na taon.
Nabatid na sa bersyon ng Mababang Kapulungan, nasa P20 billion ang inilaan para sa pagbili ng COVID-19 vaccines at booster shots habang ang P4.5 billion naman ay para sa Special Risk Allowance ng mga kwalipikadong public at private health workers.
Facebook Comments