Panukalang 2025 National Budget, bago mag-Bagong Taon na malalagdaan ayon kay PBBM

Hindi na malalagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bago mag-Pasko ang panukalang 2025 National Budget.

Sa isang ambush interview, sinabi ni Pangulong Marcos na masusi pa kasi nila itong sinisilip dahil may nakita silang insertions sa budget.

Hindi aniya kasama ang mga insertion sa mga orihinal na budget request kaya’t dapat na mapag-aralang mabuti ang mga proyektong ipinasok sa insertion.


Ayon pa sa pangulo, sa katunayan ay may nakita na silang budget proposals na walang sapat na documentation.

Dahil dito, kailangan aniyang maging maingat sa magiging alokasyon ng pondo lalo’t bahagi ng pambansang budget ay utang at dapat magamit ng tama ang pondo.

Gayunpaman, target aniya ng pangulo na lagdaan ang budget bago mag-Bagong Taon.

Facebook Comments