
Lalagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang General Appropriations Act (GAA) para sa 2026 ngayong araw matapos ang masusing pag-aaral sa panukalang pondo.
Ang ₱6.793 trilyong pambansang badyet ay lalagdaan sa isang ceremonial signing sa Malacañang mamayang alas-10:00 ng umaga.
Niratipikahan ng Kongreso ang 2026 budget noong December 29, 2025 at agad itong sinuri ng pangulo upang matiyak na tama at makabuluhan ang paggastos ng pondo.
Ayon sa Malacañang, sisiguraduhin ng badyet na mapupunta ang pondo sa mga proyektong direktang pakikinabangan ng mamamayan, lalo na sa edukasyon, kalusugan at iba pang mahahalagang sektor.
Nagkaroon ng pansamantalang reenacted budget sa mga unang araw ng 2026 dahil hindi ito napirmahan bago matapos ang 2025.










