Panukalang 4-day work week, ihahain ni Sen. Joel Villanueva

Manila, Philippines – Ihahain ngayong araw ni Senator Joel Villanueva ang panukalang 4-day work week na nauna ng nakalusot sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara.

Itinatakda ng panukala ni Villanueva na amyendahan ang article 83 ng Labor Code of the Philippines.

Ito ay para mai-adjust ang limang araw na pasok sa trabaho ng mga empleyado at gawing apat na araw na lang na may kabuuang 48 oras sa loob ng isang linggo.


Ang panukala ay tugon sa matinding problema sa trapiko kung saan malaking oras ng manggagawa ay nasasayang lang sa kanilang pag-byahe patungo sa lugar ng kanilang trabaho at pauwi sa kanilang tahanan.

Si Villanueva din ang Chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources na tatalakay sa nabanggit na panukala sa September 13.

Facebook Comments