Panukalang 4-day work week – lusot na sa Kamara!

Manila, Philippines – Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang ibaba sa apat na araw ang working days kada-linggo.

Sa ilalim ng House Bill No. 6152, papayagang magtrabaho ng apat na araw kada-linggo ang mga empleyado kapalit ang pagtatrabaho ng 12 oras kada-araw.

Layon ng panukala na gawing mas produktibo at work efficient ang mga empleyado.


Nakasaad din dito na ang mga manggagawa sa ilalim ng compressed work week ay makakatanggap ng overtime pay sakaling lumagpas sila ng 48 oras kada linggo.

Mananatiling opsyon naman sa mga employers kung ipapatupad sa kanilang mga negosyo ang compressed work week.

Facebook Comments