Panukalang 5.268 trilyong pisong 2023 national budget, isusumite na ng DBM sa Kamara ngayong araw

Tatanggapin na ngayong araw ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang 5.268 trillion pesos na national budget para sa taong 2023.

Inaasahang isusumite ni Budget Secretary Amenah Pangamdaman mamayang alas-10:00 ng umaga sa turnover ceremony sa social hall ng tanggapan ng House Speaker ang National Expenditure Program (NEP).

Mas mataas ng 244 bilyong piso ang panukalang budget para sa taong 2023 kumpara sa 5.024 trillion budget ngayong taon.


Una nang ipinangako ng mga liderato ng Kamara na tatapusin ang mga pagdinig at deliberasyon hinggil sa budget proposal bago ang October 1.

Batay sa Saligang Batas, kailangang magsumite ang Pangulo at ang sangay ng ehekutibo ng kanilang NEP sa loob ng 30 araw matapos ang State of the Nation Address (SONA).

Ibig sabihin, mas maaga ng isang araw ang Marcos administration dahil ang deadline para rito ay August 23 matapos ang SONA ni Pangulong Bongbong Marcos noong July 25.

Facebook Comments