Manila, Philippines – Iginiit ni Senate President Koko Pimentel na dapat munang hintayin kung ano ang magiging hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa umiiral na martial law sa buong Mindanao na matatapos sa July 22.
Tugon ito ni Pimentel sa pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na hihimukin niya ang Kongreso na paboran ang limang taong pagpapalawig ng batas militar sa Mindanao.
Pero paliwanag ni Pimentel, tanging ang Pangulo lang maaring humiling ng extension sa martial law.
Ito aniya ay dahil, ang Pangulo din naman ang nagdeklara ng martial law ngayon sa Mindanao bilang tugon sa paghahasik ng karahasan sa Marawi City ng Maute Terror Group.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558
Facebook Comments