Panukalang 50% discount sa passport fees para sa senior citizens at PWDs, lusot na sa Kamara

Sa botong pabor ng 252 mga kongresista ay lumusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Mababang Kapulungan ang House Bill No. 6510 o panukalang New Philippine Passport Act na ipapalit sa Philippine Passport Act of 1996.

Nakapaloob sa panukala ang pagkakaloob ng 50% discount sa mga senior citizen at persons with disability o PWDs sa pagkuha at pag-renew ng passport.

Itinatakda rin ng panukala ang paglikha ng tatlong magkakaibang passport databases.


Una ang database na maglalaman ng kasalukuyan at dating passport and travel document records ng mga Pilipino at mga dayuhan naninirahan sa bansa.

Ikalawa ang watchlist database na naglalaman ng pangalan ng mga taong pinawalang bisa ang passport o ibinasura ang aplikasyon para sa pagkakaroon ng passport.

Ikatlo ang database na naglalaman ng pangalan at impormasyon ukol sa mga indibidwal na nakagawa ng passport-related offenses.

Sa ilalim ng panukala, sinumang gagawa ng krimen o ilegal na aktibidad kaugnay sa paggamit ng passport at travel documents ay papatawan ng kulong na hanggang anim na taon at multang hanggang 2 milyong piso.

Facebook Comments