Panukalang 50% na diskwento sa remittance fee ng OFW, pasado na sa Kamara

Sa botong pabor ng 174 nga kongresista ay inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang Bill (HB) No. 10959 o ang Overseas Filipino Workers Remittance Protection Act.

Inuutos ng panukala ang pagbibigay sa mga OFW ng 50% diskwento sa remittance fee para sa perang ipadadala sa kanilang pamilya na idaraan sa bangko o non-banking institutions.

Pinagbabawalan ng panukala ang lahat ng bangko at non-bank financial intermediaries na magtaas ng kanilang kasalukuyang remittance fee nang walang konsultasyon sa Department of Finance, Department of Migrant Workers, at Bangko Sentral ng Pilipinas.


Nakapaloob sa panukala na kada taon ay umaabot $30 billion ang halaga ng remittances na ipinapadala ng mga OFW na may malaking ambag sa paglago ng ekonomiya sa loob ng ilang dekada.

Facebook Comments