Panukalang absolute divorce sa bansa, lusot na sa komite ng Senado

Lusot na sa komite ng Senado ang consolidated bill na nagpapalawak sa batayan ng dissolution of marriage na nagpapahintulot ng ‘absolute divorce’ sa bansa.

Naglabas ng committee report para sa Senate Bill 2443 ang Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality na nilagdaan ng mga may-akda na sina Senators Risa Hontiveros, Raffy Tulfo, Robin Padilla, Pia Cayetano, at Imee Marcos.

Tinukoy sa panukala na ang absolute divorce ay tungkol sa legal termination ng korte sa kasal sa pamamagitan ng legal proceedings.


Pinatitiyak ng panukala na ang court proceedings sa pagkakaloob ng diborsyo ay dapat abot-kaya, mabilis at hindi magastos lalo na sa mga indigent litigant.

Kabilang naman sa mga grounds o batayan ng absolute divorce ang mga sumusunod:

– Kung limang taon ng hiwalay
– Kung may ginawang krimen tulad ng panghahalay ng respondent-spouse sa petitioner-spouse bago o pagkatapos ng kasal
– Kung talagang hindi na maayos o hindi na maisasalba ang pagsasama sa kabila ng pagsusumikap na magkasundo ang mag-asawa kung saan dadaan muna sila sa 60 araw na cooling-off period

Nakasaad din sa panukala na nakapaloob dapat sa joint petition na inihain ng magasawa ang joint plan para sa parenthood na magtatakda ng suporta, custody, at living arrangements sa kanilang mga anak.

Facebook Comments