Panukalang “academic freeze”, mariing tinutulan ng CHED

Mariing tinutulan ng Commission on Higher Education (CHED) ang panukalang “academic freeze”.

Ayon kay CHED Executive Director Cinderella Jaro, posibleng ang panawagang academic freeze ay dahil sa ‘misconception’ na naka-focus lang ang kagawaran sa pagsasagawa ng online learning.

Paglilinaw niya, “flexible learning” ang isinusulong ng CHED kung saan nakapaloob ang online, offline at blended learning.


Binigyang-diin din ng opisyal na dumaan sa konsultasyon ang flexible learning approach kasama ang mga stakeholders, higher education institution, mga estudyante at eksperto.

Facebook Comments