
Iginiit ni House Deputy Speaker at Trade Union Congress of The Philippines o TUCP Party-list Rep. Democrito Mendoza na kailangang maiukit muli sa kasayasayan ang pagkakaloob ng umento sa sahod sa mga manggagawa sa pribadong sektor.
Ayon kay Mendoza, 1989 o sa nakalipas na 36 taon ng itaas ng kongreso sa 40% ang minimum wage na hindi nakaapekto sa inflation at kawalan ng trabaho, sa kabila na rin ng umiiral na political instability sa panahong iyon.
Pahayag ito ni Mendoza makaraang aprubahan ng House Committee on Labor and Employment ang panukalang batas na nagbibigay ng dagdag na P200 sa arawang sahod para sa lahat ng manggagawa sa pribadong sektor.
Binigyan diin ni Mendoza na matagal ng nagsusumikap ang mga manggagawa para makuha ang makatarungang sahod.