Panukalang alternatibo sa “5-6” ng mga maliliit na negosyo, lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara

Nakatawid na sa ikalawang pagbasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill 7363 o ang “Pondo sa Pagbabago at Pag-Asenso o P3 Act” na tiyak makakapagbigay suporta rin sa mga maliliit na negosyong naapektuhan ng pandemya.

Kapag naisabatas ang panukala, ito ay magsisilbing “alternatibo” mula sa tinatawag na “5-6″ ng Micro and Small Enterprises o MSEs dahil bukod sa mababang interes at wala itong collateral requirements.

Itinatakda ng panukala ang paglalaan ng ng abot-kaya at simpleng “financing program” o pautang para sa MSEs sa ating bansa, lalo na sa pinakamahihirap na populasyon.


Sa ilalim ng panukala ay bubuo ng isang P3 Fund na maaaring magpautang sa mga kwalipikadong MSE sa pamamagitan ng Small Business Corporation, at accredited partner financial institutions gaya ng mga bangko, kooperatiba, loan associations, lending companies at iba pa.

Facebook Comments