Panukalang amyendahan ang ilang probisyon sa Price Act, lusot na sa komite ng Kamara

Lusot na sa isang komite sa Kamara ang panukalang amyendahan ang ilang probisyon sa Price Act na magtitiyak na may kapangyarihan ang gobyerno pagdating sa presyo ng bilihin ngayong panahon ng pandemya.

Idinagdag sa listahan ng basic necessities ang alcohol, sanitizer, disinfectants, infrared body thermometer, Personal Protective Equipment (PPE) gaya ng face masks, gloves, cover-all, hair caps, shoe cover at goggles.

Habang ang toothbrush, toothpaste, shampoo, tabo, balde, payong at rain coat at ilang pang school supplies tulad ng uniform, sapatos, bags, crayons, pencils, eraser, ballpen, ruler, medyas, notebook at papel ay ipinapasama sa listahan ng prime commodities.


Bibigyan naman ang National Price Coordinating Council ng awtoridad na bawasan o dagdagan ang listahan ng mga basic necessities at prime commodities basta may basbas ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments