Panukalang Anti-Dynasty Bill, kabilang sa nais maisabatas ng Liderato ng Kamara

Hangad ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III na maipasa ang panukalang Anti-Dynasty Bill kahit pa marami ang magtataas ng kilay dahil sya mismo ay marami ding kamag-anak na nasa politika.

Sabi ni Dy, panahon na para isulong ang isang panukalang batas na magbibigay ng malinaw at makatarungang depinisyon ng political dynasty na matagal nang nakasaad sa konstitusyon.

Nilinaw ni Dy na hindi nito layunin na hadlangan ang sinuman, kundi upang palawakin ang pagkakataon para mas maraming Pilipino ang makapaglingkod at makibahagi sa pamahalaan.

Ayon kay Dy, ang pagsasabatas sa Anti-Dynasty Bill ay magpapakita rin na seryoso sila sa pagpapatupad ng mga reporma kung saan nakasalalay ang tiwala ng taumbayan.

Facebook Comments