Panukalang armchair para sa mga kaliweteng estudyante, lusot na sa Senate Committee level

Manila, Philippines – Inendorso na ng Senate Committee on Education ang Senate Bill number 2114 o panukalang nag-uutos sa mga pribado at pampublikong paaralan na magpagawa ng mga upuan para sa mga estudyante na kaliwete sa pagsusulat.

Kapag naisabatas, ay ang Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED) at TESDA ang titiyak sa mahigpit nitong implementasyon.

Tinukoy sa committee report na base sa pag-aaral, 10-porsyento ng populasyon sa buong mundo ay kalewete.


Sinasabi din sa committee report na ang panukala ay tugon sa reklamo na nahihirapan ang mga kaliweteng estudyante sa pagsusulat dahil sa hindi akmang upuan.

Nagdudulot ito ng madalas na pagsakit ng kanilang likod, leeg at balikat kaya nahihirapan sila sa kanilang pinag-aaralan.

Facebook Comments