Panukalang automated cashless toll collection, tugon sa traffic jam sa expressways

Umapela si Bagong Henerasyon Party-list Representative Bernadette Herrera sa mga kasamahang mambabatas na agarang ipasa ang House Bill 8161 na inihain niya noong pang Mayo ng nakaraang taon.

Diin ni Herrera, ang panukala ay tugon sa bumibigat na daloy ng trapiko sa expressways tulad ng nangyari nitong nagdaang Holy Week.

Itinatakda ng panukala ang pagkakaroon ng makabagong toll systems tulad sa ibang bansa halimbaw sa Japan, China, Korea, Singapore, and Hong Kong.


Pangunahing tinukoy ni Herrera ang Open Road Tolling at Multi-Lane Fast Flow na magpapabilis sa pagbabayad ng toll fee na hindi na kailangan pang huminto ng mga sasakyan sa toll booth basta’t may gumaganang Radio-Frequency Identification (RFID).

Nakapaloob din sa panukala ang pagpapataw ng parusa at multa sa mga hindi magbabayad ng toll fee mula P1,000 hanggang P5,000 kung saan ang multang makokolekta ay gagamiting maintenance at road safety sa expressways.

Facebook Comments