Manila, Philippines – Pirma na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hinihintay para maging ganap na batas ang panukalang baguhin ang rank classification ng Philippine National Police (PNP).
Ang consolidated version ng Senate Bill 2031 at House Bill 5236 ay ipinasa na sa Malacañang nitong January 10.
Ayon kay Senator Panfilo Lacson, author ng Senate Bill 2031, layunin ng panukala na gawing standardize ang ranggo ng mga law enforcers.
Nais din ng panukala na alisin ang kalituhan kung paano i-address ang mga tagapagpatupad ng batas at ilapit ang mga ito sa publiko.
Upang panatilihin ang pagkakaiba ng PNP rank sa Armed Forces of the Philippines (AFP), ang mga ranggong gagamitin na naka-address sa isang PNP personnel ay gagamitan ng salitang ‘police’.
Sa ilalim ng panukala, ang PNP rank classification ay sumusunod:
Director General – Police General
Deputy Director General – Police Lieutenant General
Director – Police Major General
Chief Superintendent – Police Brigadier General
Senior Superintendent – Police Colonel
Superintendent – Police Lieutenant Colonel
Chief Inspector – Police Major
Senior Inspector – Police Captain
Inspector – Police Lieutenant
SPO4 – Police Executive Master Sergeant
SPO3 – Police Chief Master Sergeant
PO3 – Police Staff Sergeant
PO2 – Police corporal
PO1 – Patrolman/patrolwoman
Dagdag pa ni Lacson – hindi inaalis ng panukala ang civilian character ng PNP, gagawin lamang itong ‘less militarize’.