Panukalang ‘bakuna bubble’, hindi aprubado ng WHO

Hindi pabor ang World Health Organization sa panukala ng ilang negosyante na ‘bakuna bubble’.

Ang bakuna bubble ay mungkahing tanging ang mga bakunado lamang at may dalang negative COVID-19 test result ang papapasukin sa mga establisyimento.

Ayon kay WHO Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abayesinghe, kahit bakunado ang isang indibidwal ay may tiyansa pa ring mahawa o makapanghawa ito ng COVID-19.


Sa halip na bakuna bubble, mas makakabuti aniyang sundin ang mga ipinapatupad na minimum health protocols.

Maliban sa WHO, ikinabahala rin ng Commission on Human Rights ang nasabing panukala at iginiit na posibleng itong magtulak ng diskriminasyon sa mga hindi pa bakunado.

Paliwanag ni CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia, bagamat suportado nila ang pamahalaan sa pagnanais na ibalik ang sigla ng ekonomiya ay dapat ding tiyakin na walang karapatang pantao ang malalabag.

Facebook Comments