Panukalang batas laban sa office bullying, kasama ang pagkakalat ng tsismis, isinulong sa Kamara

Isinulong nina ACT-CIS Party-list Rep. Jocelyn Tulfo at anak nitong si Quezon City Rep. Ralph Wendel Tulfo ang panukalang batas laban sa office bullying sa mga tanggapan ng gobyerno at mga pribadong establisyemento.

Ito ay ang House Bill 8446 o panukalang Anti-Bullying in the Workplace Act kung saan kasama ang pagkakalat ng tsismis at maling impormasyon.

Layunin ng panukala na pairalin ang karapatan para sa pagpapabatili ng dignidad at respeto sa mga lugar paggawa o workplaces.


Tugon ang panukala sa paulit ulit na written, verbal, o electronic expression o pisikal na pananakit laban sa empleyado at employer, katrabaho, at iba pang tao kung saan ito mayroong propesyonal na relasyon.

Nakapaloob sa panukala na ituturing din na bullying ang pagkakalat ng tsismis o maling impormasyon, panlalait, pamamahiya gayundin ang pagnanakaw o pag-angkin ng kredito o pagpigil na makuha ang isang oportunidad o karera.

Facebook Comments