Panukalang batas na gawing culinary capital ng Pilipinas ang Pampanga, binasura ni PBBM

Vineto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang panukalang batas na magdedeklara sa Pampanga bilang “Culinary Capital” ng Pilipinas.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, bagama’t maganda ang panukalang batas, malawak ang kultura ng Pilipinas pagdating sa culinary industry.

Kung maipapasa aniya ito bilang batas ay baka magkaroon ng diskriminasyon sa ibang rehiyon at isipin ng mga turista na iisang lugar lang ang pwedeng puntahan na may pinakamasarap na pagkain sa bansa.


Sabi pa ni Castro, ganito rin ang gagawin ng pangulo kung may ibang probinsya na ipapanukalang gawing culinary capital ng bansa.

Nauna nang sinabi ng pangulo sa veto message na ipinadala ng Malacañang sa Senado at Kamara nitong March 12, nangangailangan pa ng sapat na pag-aaral at historical basis ang panukala.

Iniiwasan din dito ang posibilidad na makasakit ng damdamin ng ibang mga probinsya sa bansa na kilala rin sa kanilang culinary contributions.

Facebook Comments