Manila, Philippines – Posibleng maipasa na sa Kamara sa Lunes, Enero 28 ang House Bill 8858 na nagpapababa sa age of criminal responsibility.
Ayon kay Capiz 2nd District Representative Fredenil Castro, nagpulong na ang lahat ng mga kongresista at sinabihan sa dapat gawin upang mapasa na sa third and final reading ang panukalang batas na nagpapababa sa 12-anyos ng criminal responsibility na tinawag na ngayong social responsibility.
Nabatid na mismo si Castro ang nagmamadali na rin na maiakyat na sa Senado ang nasabing panukalang batas.
Ipinagmalaki rin ni Castro na siya ang nag-propose na palitan ang salitang criminal responsibility sa social responsibility.
Aniya, reformative at rehabilitative ang intensyon ng bill kung saan dapat magtulungan ang estado at sambayanan sa pagbago sa buhay ng batang nagkasala.