Panukalang batas na iurong ang unang BARMM elections, lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara

Nakatawid na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang House Bill 11144 o ang panukalang batas na iurong sa May 11, 2026 mula sa naunang nakatakda na May 12, 2025 ang kauna-unahang eleksyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Aamyendahan ang panukala na Section 13, Article XVI of Republic Act No. 11054 o ang “Organic Law for the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.”

Sa ilalim ng panukala ay papahintulutan ng pangulo ng bansa na magtalaga ng 80 bagong interim members ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) na magsisilbi hanggang mahalal ang kanilang kapalit.


Paliwanag ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, nag-ugat ang panukala sa pasya ng Supreme Court na hindi na bahagi ng BARMM ang Sulu.

Giit ni Adiong, may epekto sa paghahanda para sa BARMM elections ang ruling ng Korte Suprema.

Facebook Comments