Manila, Philippines – Inaprubahan na ng Senate Committee on Public Services ang mga panukalang pahintulutan ang motorcycle hailing service na Angkas bilang public transport.
Layunin ng Senate Bill 2173 at 2180 na payagan ang paggamit ng motorsiklo bilang Public Utility Vehicles (PUVs).
Rerebisahin nito ang Republic Act no. 4136 o ang Land Transportation and Traffic Code na siyang nagbabawal sa motorcycles-for-hire.
Ayon kay Committee Chairperson, Senator Grace Poe – ang mga motorsiklo ay nagbibigay ng mabilis, mura at komportableng serbisyo sa mga mananakay sa gitna na rin ng problema ng trapiko sa bansa.
Kinikilala aniya ang mga motorsiklo bilang alternatibong transportasyon ay kailangang ito ng publiko patungo sa mga pangunahing destinasyon.
Idinagdag pa ni Poe na tinatrabaho na ang pinal at pinag-isang bersyon ng mga panukala at umaasang maaprubahan ito ng plenaryo bago magtapos ang 17th Congress.
Una nang nakalusot sa ikatlo’t huling pagbasa ang bersyon nito sa Kamara.