Panukalang batas na layong ipagpaliban muli ang barangay election at bigyan kapangyarihan ang Pangulong Duterte na magtalaga ng Officer in Charge sa barangay, inihain sa Kamara

Manila, Philippines -Nasa kamay na ng Kongreso kung ipagpapaliban ba o hindi ang barangay elections sa Oktubre at kung bibigyan ng kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte na magtalaga ng bagong barangay officials.
 
Ito ay matapos na maghain si Surigao Del Norte Rep. Robert Ace Barbers ng panukala na humihiling na ilipat sa may 2020 ang barangay elections.
 
Kapag naaprubahan ito lahat ng kasalukuyang opisyal ng barangay ay matatanggal sa puwesto at magtatalaga ang pangulo ng officers-in-charge.
 
Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, maipapasa nila ang panukalang bigyan ng kapangyarihan ang pangulo na mag-appoint bago matapos ang sesyon ng Kongreso sa Hunyo.
 
Sabi naman ni liga ng mga barangay sa Pilipinas National President Atty. Edmund Abesamis, suportado nila ang kampanya laban sa iligal na droga ng administrasyon pero kailangang pag-aralan ng husto ang legalidad ng plano.
 
Ganito rin ang sinabi ng election lawyer na si Atty. Romulo Macalintal.
 
 
Sabi naman ni Senate President Koko Pimentel, nagdesisyon ang mga senador matapos silang magpulong kung saan napapag-aralan nila ng husto kung alinsunod ba sa konstitusyon ang gusto ni Pangulong Duterte.
 
 
Kung hindi matutuloy ang barangay at sk elections sa Oktubre, Ito na ang ikalawang beses na ipagpapaliban ang barangay elections sa ilalim ng Administrasyong Duterte.


Facebook Comments