Pinamamadali na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso ang pagpasa sa panukalang batas na layong palakasin ang paglaban ng pamahalaan kontra terorismo.
Sinertipikahan ni Pangulong Duterte bilang urgent ang House Bill 6875 na layong amyendahan ang Human Security Act of 2007.
Kapag ang isang panukalang batas ay sinertipikahang urgent, maaaring hindi gawin ng Kongreso ang three-day rule, at pinapayagan ang mga mambabatas na ipasa ang panukala sa pinal na pagbasa matapos itong makalusot sa ikalawang pagbasa.
Ang pinal na bersyon ng panukala ay ipapadala kay Pangulong Duterte para sa kanyang lagda.
Una nang iginiit ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na ang mga kritisismo laban sa panukalang batas ay walang basehan.
Facebook Comments