Panukalang batas na mag-aamyenda sa kahulugan ng illegal recruitment by syndicate, lusot na sa Kamara

Sa botong pabor ng 260 mga mambabatas ay inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ng Mababang Kapulungan ang House Bill 7718 na nag-aamyenda sa kahulugan ng illegal recruitment by syndicate.

Inaamyendahan ng panukala ang article 38 ng Labor Code at Migrant Workers and Overseas Filipinos Act upang mula sa tatlong indibidwal o higit ay maibaba sa dalawang indibidwal o higit pa ang batayan upang maituring na kagagawan ng isang sindikato ang illegal recruitment.

Base sa panukala, kapag sindikato ang nasangkot sa illegal recruitment ay ituturing na itong economic sabotage na may parusang habambuhay na kulong at multa na P2 million hanggang P5 million.


Layunin ng panukala na mapabilis ang paghabol ng government prosecutors sa mga sindikato na sangkot sa illegal recruitment at agad mabigyan ng hustisya ang mga biktimang Overseas Filipino Workers.

Diin ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ang panukala ay dagdag na proteksyon ng mga masisipag na OFWs laban sa illegal recruitment.

Facebook Comments